Monday, October 26, 2009

kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa


i listened to 97.1 fm radio station last oct. 18, 2009 mga 10pm ng gabi. actually first time kong makinig ng linggo ng gabi sa fm station na ito. at noon ko lang natuklasan na may barangay love stories na ang host ay si papa dudut ng barangay ls fm ayos gyud. nakinig ako ng kuwento ng gabing iyon at na-inspired me talaga sa love story na binasa ni papa dudut . doon ko napatunayan na kapag destined talaga ang dalawang taong nagmamahalan walang sinuman ang makakahadlang nito at kahit ano mang pagsubok, panahon ang lumipas, gagawa't gagawa ng paraan ang tadhana para silang dalawa ay pagtagpuin muli upang magsama at maging maligaya ang buhay sa piling ng bawat isa. 

Doon ko napatunayan na ang kasabihan na " If you love someone, set them free, if they come back they're yours; if they don't they never were" ay totoo.  kung kailangan mo na syang i-let go then you must to do it. si Bro na lang ang bahala sa lahat. kung talagang kau ang para sa isa't isa in the end kau pa rin. minsan hindi mo lang talga alam kung kelan kau ulit pagtatagpuin ng tadhana. tanging panahon lang ang makakapagsabi kung kelan ang tamang panahon. ang kailangan lang maging handa ka sa mga bagay na di mo inaaasahan. at kung hindi man kailangan mong tanggapin ng maluwag sa dibdib ang katotohanang hindi kau para sa isa't isa. at ang pinakamahalaga sa lahat kailangan mong magtiwala kay Bro na may magandang bukas na darating sa iyo at laging pakaisipin  na lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin ay may dahilan at ito ay para sa kabutihan ng lahat.

0 comments:

Related Posts with Thumbnails